Epektibo sa Linggo, Hulyo 17 ang pagbibigay ng discount sa mga Persons with Disability (PWDs) at senior citizens, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, sa joint memorandum circular no. 01, inaatasan ang mga establisyimento na magbigay ng 20 percent discount at 5 percent discount sa iba pang commodities para sa mga bibiling senior citizen at PWD online.

"Effective na po ang batas na ito dahil nag lapse na po ang 30 days period mula nang mai-publish kaya inaasahan po natin ang ating mga kababayan na PWD at senior citizen na maaavail na po ninyo ito ngayon pong paparating linggo at gayundin umaasa na tayo iyong ating mga business establishments na ready naman na ipatupad itong joint memorandum circular," pahayag ni Lopez.

Sinabi pa nito na kailangang makapagpakita ng ID ang mga ito para ma-avail ang discount.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Pinapayagan naman ang authorized representative ng isang senior citizen o pwd para makipag-transaksyon online.

"Pinapayan po na iyong mga authorized representative ay mag transact po on behalf po ng mga PWDs, yung order po ninyo online, hihingin po yung inyong mga IDs na magpapatunay na kayo po ay PWD o senior citizen and at the same time kung may authorized representative kayo hihingin din po ito," pagliliwanag pa ni Lopez.