Dinalaw ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang puntod ng yumaong partner at itinuturing na "Comedy King" ng showbiz industry na si Dolphy, ayon sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Hulyo 10.

Ayon kay Zsa Zsa, parang kahapon lamang daw ang pagpanaw ni Pidol, ngunit 10 taon na ang nakalilipas simula nang lisanin nito ang mundong ibabaw.

Mananatili umano sa kanilang mga puso ang alaala ni ng Comedy King.

"10 years. Seems like only yesterday when we lost you, but the joy you’ve given will be in our hearts forever. Dolphy, you are greatly missed. Thank you."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Please say a prayer for Dolphy’s 10th year death anniversary," ayon sa caption ng IG post ni Zsa Zshing.

Samantala, finally ay ikakasal na rin ang anak nina Zsa Zsa at Dolphy na si Zia Quizon. Habang isinusulat ito ay baka nasa flight na ang actress-singer patungong bansang Serbia sapagkat doon nakatira ang longtime boyfriend ng anak na si Aleksa.

Hindi naman nakalimot si Zia sa paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ng kaniyang ama. Nag-post siya ng tula sa kaniyang Instagram.

"Dear Papa,"

"How I miss you, How I wish that you were here, To walk me down the aisle, And smile, And maybe shed a tear"

"I knew this day was coming / And I knew that you’d be gone, / But still I hear you humming, / Strumming to a joyful song"

"No, it isn’t how I planned it, / But he’s all I hoped he’d be, / There is family that’s chosen, / And I chose what’s best for me"

"Maybe somewhere you are watching / Over on some distant star, / And I’m sorry you won’t be here, / But the truth is you are."