Panalo pa rin ang Mexican fighter Rey Vargas kahit pinatumba na ito ng Pinoy na si Mark Magsayo sa kanilang laban sa Alamodome, San Antonio, Texas nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).
Idineklarang nanalo si Vargas via split decision kung saan pabor sa kanya ang iskor ng dalawang hurado,115-112.
Ang isa pang hurado ay umiskor naman ng 114-113 na pabor naman kay Magsayo.
Dahil dito, napasakamay ni Vargas angWorld Boxing Council (WBC) featherweight title na dating hawak ni Magsayo.
Tampok sa laban ang pagkakatumba ni Vargas sa ika-siyam na round nang magpakawala ng matinding suntok si Magsayo.
Gayunman, hindi pa rin nakumbinsi ni Magsayo ang mga hurado na ikinatalo nito.
Nananatili pa ring walang talo si Vargas sa tangang 36-0 record sa professional career nito.
Ito naman ang unang pagkatalo ni Magsayo sa kanyang boxing career sa hawak na rekord na 24-1,16 KO