Matapos salantain ng matinding pagbaha nitong Huwebes, isinailalim na sa state of calamity ang Banaue.

Sa pahayag ni Banaue Mayor Joel Bungallon, isinagawa nila ang hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Layunin din ng hakbang na magamit na ang pondo ng bayan para sa agarang rehabilitasyon

Sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cordillera Administrative Region (CAR), mahigit sa 300 na bahay ang nasira ng pagbaha at naapektuhan nito ang mahigit sa 300 pamilya.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Putol din ang suplay ng tubig sa ilang lugar matapos mapinsala ang ilang tubo ng water system ng mga ito.

Nitong Sabado, itinuloy ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP) ang clearing operations sa mga naapektuhang lugar.