Bumuwelta ang tinaguriang ‘Tinang 83’ laban kay Tarlac Assistant Provincial Prosecutor Mila Mae Montefalco nang magsampa ng kaso ang mga ito sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.
Kabilang sa kasongisinampa ang grave and serious misconduct, gross ignorance of the law, conduct prejudicialto the best interest of the service, malicious mischief at illegal assembly.
Matatandaang inaresto at ikinulong ang mga magsasaka at iba pang miyembro ng tiguriang'Tinang 83' na nagsagawa ng land cultivation activity sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac noong Hunyo.
Ang mga nasabing magsasaka ay kinasuhan.
Gayunman, ibinasura ng korte sa Tarlac ang mga reklamo laban sa grupo.
Kaugnay nito, hiniling din ng mga complainant kay DOJ Secretary Crispin Remulla na habang dinidinig ang reklamo ay patawan ng preventive suspension si Montefalco.
Bukod dito, nakatakda na ring sampahan ng reklamo ang mga pulis na iligal na umaresto sa mga magsasaka.