Matapos sitahin ang co-star sa fantaseryeng "Aryana" na si Ella Cruz tungkol sa naging pahayag nito ukol sa kasaysayan, binuweltuhan naman ng bashers si Kapuso comedienne Pokwang dahil sa maling ispeling nito sa salitang "iodine" sa kaniyang tweet.

Ayon sa tweet ni Pokie, Hulyo 4, tanggap niya ang pananaw ni Ella sa politika subalit hindi niya matatanggap ang naging pahayag nito tungkol sa kasaysayan.

"Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang-ayon sa'yo nak dahil mali! maling mali…" ayon sa tweet ni Pokwang.

Kung alam lang daw niya, baka ibinalik na lamang niya raw sa dagat ang anak-anakan, batay sa serye nila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak, mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino raw 'yan #Aryana," hirit pa ng komedyante.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/">https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/

Napansin ng mga netizen sa Twitter na mali ang ispeling niya sa chemical element na 'iodine' na siyang nagbibigay-alat sa tubig-dagat, na "one of the most abundant micronutrients in seawater". Nagawa raw niyang itama si Ella Cruz gayong sariling ispeling niya ay hindi naman maitama.

Subalit sa Facebook post niya, makikitang tama naman ang ispeling ng "iodine".

Buwelta naman ng komedyante kinahapunan, "O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?"

https://twitter.com/pokwang27/status/1543937411587387397

Sa isa pang tweet kung saan ibinahagi niya ang post ng isang netizen na naglalatag ng resibong tama ang ispeling niya ng salitang iodine sa Facebook, "Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???"

https://twitter.com/pokwang27/status/1543940874220240896

Si Pokwang ay isang masugid na Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nakaraang halalan.