Mahigit na sa 70.8 milyong Pinoy ang fully-vaccinated na laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ito ang isinapubliko ng National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Sabado, Hulyo 2.

Sa huling datos ng NVOC, kabuuang 15,017,716 ang nabigyan na ng unang booster doses.

Tumanggap na rin ng unang booster doses ang 801 indibidwal na nasa 12-17 age group na mayroong comorbidities.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

“As provided for in [Department of Health] DM No. 2022-0263, the roll-out of the first booster/third dose for all adolescents ages 12 to 17 may proceed as soon as the Local Vaccination Operations Centers (LVOCs), implementing units, and vaccination sites/teams are ready,” pagbibigay-diin ng NVOC.

Isinapubliko rin ng NVOC na bakunado na nila ang mahigit sa 40 porsyento ng puntiryang populasyon para sa mga senior citizens (A2 priority group) at ang naitalang pinakamababang porsyento nito ay mulaBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kaugnay nito, naitala ng NVOC ang pinakamataas na saklaw ng fully vaccinated na A2 priority group sa Cagayan Valley Region (92.8 porsyento) at Cordillera Administrative Region (CAR) na mayroong 90.7 porsyento.

PNA