Nanawagan ang National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) na magparehistro para sa idaraos na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 5.

Inilabas ng election watchdog group ang apela kasunod na rin ng pagpapatuloy ng voter registration sa Hulyo 4.

“Make sure that you are registered in time for the Dec. 5 BSKE,” ayon sa Facebook post ng Namfrel nitong Biyernes. 

“Sign-up starts Monday, July 4, and will run for less than three weeks!” banggit ng grupo.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Ang mga baguhan at kuwalipikadong botante para sa nasabing halalan ay dapat may edad 15-anyos, gayunman, hindi lalagpas sa 30 taong gulang at residente sa kanilang lugar ng aabot sa anim na buwan bago isagawa ang eleksyon sa Disyembre 5.

Leslie Ann Aquino