Hindi nakapagtimpi ang singer-actor na si Janno Gibbs nang tawagin siyang "clout chaser" at "enabler" ng ilang bashers matapos niyang magkomento ng emojis sa Instagram post ni Dennis Padilla, hinggil sa paghingi nito ng tawad sa anak na si Leon Barretto.

Nag-ugat ang lahat ng ito nang mag-post sa social media si Dennis na tila nakalimutan umano siyang batiin ng mga anak kay Marjorie Barretto noong Father's Day. Ayon kay Dennis, hindi niya nais saktan ang mga anak at nami-miss niya lamang ang mga ito.

Isa sa mga nag-react sa post ng komedyante ay ang kaibigang si Janno. Nagkomento ang singer-actor ng folded hands at heart emojis.

Isang basher naman ang agad na nagkomento rito at tinawag siyang "clout chaser."

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"You have zero followers. I have 365K. Who needs clout more?” pa-cool na saad ni Janno.

Isa pang basher ang nagsabi sa kaniya na "the ultimate enabler ng abusive parent ka rin sir no?"

Dito na lalong sumiklab si Janno.

“Tar****do ka ah! May sinabi ba ako? Pinagtanggol ko ba si Dennis? 🙏❤️ Yan lang comment ko. If I am an enabler, you're an idiot," panonoplak ni Janno sa basher.

Sa ngayon ay burado na ang naturang IG post ni Dennis.