Ibinasura na ng Capas Municipal Trial Court ang kasong isinampa laban sa mga magsasakang inaresto habang nagsasagawa ng "bungkalan" sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac kamakailan.

Sa desisyon ng hukuman, kabilang sa ibinasura ang kasong illegal assembly matapos mabigo ang prosekusyon na mailabas ang mahahalagang detalyeng susuporta sana sa alegasyon.

Hindi rin nakita ng hukuman ang mga elemento ng kasong malicious mischief, bukod pa sa kawalan ng hurisdiksyon ng korte sa usapin.

“Finally, finding the prayer that the agrarian dispute aspect of the Malicious mischief case be referred to the Department of Agrarian (DAR) Reform in order, the same is granted,” ayon sa korte.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Matatandaang inaresto ng pulisya ang mahigit sa 90 katao, kabilang ang mga magsasaka at taga-suporta ng mga ito sa idinaos na "bungkalan" sa Hacienda Tinang kung saan itinaon ito sa anibersaryo ng pagsasabatas ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) noong Hunyo 9.