Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na nakikitaan ng pagtaas ng dengue cases ang 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabuuang 39,705 dengue cases na ang kanilang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 4.

Ang naturang bilang ay 31% na mas mataas kumpara sa naitala sa kahalintulad na panahon noong 2021.

Naitala aniya ang pinakamataas na bilang ng kaso sa Central Visayas, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

"'Yun pong ibang mga regions, we’re already noting increasing trends in recent 4 morbidity weeks. Fourteen of 17 regions nakapag-exceed ng epidemic thresholds for the past 4 weeks," sabi ni Vergeire.

Nakapagtala rin aniya ng kabuuang 202 deaths dahil sa dengue ngayong taon.

Kaugnay nito, nanawagan si Vergeire sa publiko na ugaliing maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit.