Tila pinatutsadahan ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno si Sen. Rodante Macoleta sa sinabi nito laban kay Sen. Risa Hontiveros.
Sa latest Facebook post ni Rep. Diokno nitong Miyerkules, Mayo 27, sinabi niyang hindi umano nakakamangha ang legal background na ginagamit sa pangmamaliit.
Aniya, “Hindi impressive ang legal background kung ginagamit lang sa pangmamaliit. Mas nakakabahala ang may alam sa batas pero pinipiling baluktutin ito. “
Kaugnay ito sa sinabi ni Sen. Marcoleta kay Sen. Hontiveros na wala umanong legal background matapos kwestiyunin ng huli ang mosyon niyang amyendahan ang patakaran ng Senado upang payagan ang pagdalo sa sesyon sa pamamagitan ng teleconference.
"Ito pong mahirap kasi kung wala po tayong legal background dito. Kaya sinasabi ko dito, hindi po bagong mosyon ito, e,” saad ni Marcoleta.
Matatandaang nagsagawa ng walk-out sa plenary session ang Senate minority bloc noong Martes, Mayo 26, dahil sa tangkang pagmamadali sa isang mahalagang pagbabago sa mga panuntunan ng Senado, lalo na’t mayroon pa umanong mga senador na nais magsalita at magtaas ng mga katanungan sa plenaryo.
Maki-Balita: 'Bakit kailangang madaliin?' Senate minority bloc, nagpaliwanag bakit nag-walk out!