May 27, 2026

Home BALITA National

'Despite the persecutions!' Sen. Bato, nagparamdam sa Eid'l Adha

'Despite the persecutions!' Sen. Bato, nagparamdam sa Eid'l Adha
Photo courtesy: MB File Photo/Ronald "Bato" Dela Rosa (FB)

Naglabas ng mensahe si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim nitong Miyrkules, Mayo 27, kasabay ng patuloy na usapin kaugnay ng umano’y pagtatago niya magmula nang makaalis sa premises ng Senado noong Mayo 13, at ideklarang "fugitive" ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa isyu ng pagtatago at pagtakas sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Mababasa sa kaniyang social media post, “Nakikiisa tayo sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eidl al-Adha (Feast of Sacrifice).”

Dagdag pa niya, “Despite the persecutions we face on every possible front, we hold fast to our faith: no sacrifice will be in vain. God sees us. God is with us.”

Matatandaang naging sentro kamakailan ng diskusyon sa Senado ang posibilidad ng remote participation ng mga senador sa plenary sessions sa pamamagitan ng teleconference o videoconference, bagay na iniuugnay ng ilang senador sa sitwasyon ni Dela Rosa.

Ilang miyembro rin ng minority bloc ang nag-walk out sa plenaryo matapos kwestiyunin ang umano’y minamadaling pagbabago sa Senate rules, lalo na sa usapin ng remote attendance at voting ng mga senador.

National

‘Akala ko ba magaling sa rules?’ Sen. Marcoleta, binulaga ni Sen. Sotto tungkol sa ‘quorum’

Maki-Balita: 'Bakit kailangang madaliin?' Senate minority bloc, nagpaliwanag bakit nag-walk out!

Nitong Miyerkules, nagsagawa umano ng manhunt operation ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang subdivision sa Alabang, kung saan umano'y nagtatago ang senador. Napag-alaman ding ang nabanggit na bahay ay pagmamay-ari umano ng tiyuhin ni Sen. Robin Padilla.

Sa kabila nito, nananatiling tahimik si Dela Rosa hinggil sa ilang detalye ng kaniyang kinaroroonan at sa mga isyung ibinabato laban sa kaniya.