Kaliwa’t kanang endorsements at partnerships sa mga luxury brand, at pagiging cover girl ng kilalang magazine ang ilan lang sa mga pasilip ngayon sa abalang buhay ng celebrity fashion socialite na si Heart Evangelista.

Matapos masita at bumuwelta sa isang basher kamakailan matapos tawagin siya nitong “gold digger” ay patuloy ang pag-awra at lalo lang na glow ng 37 taong-gulang na multi-talented showbiz personality.

Basahin; Heart Evangelista, sinupalpal ang netizen na nagsabing gold digger siya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Isa na nga yata sa may pinaka-classy na Instagram feed sa mga local celebrity si Heart kung saan parehong fashion, face, luxury, at cool vibe ang hatid nito sa kaniyang mahigit 10.6M followers.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Cover girl ang fashion icon sa isang magasin ngayong Hunyo tampok ang legasiya ng luxury brand na Louis Vuitton.

Sa hiwalay na IG post, iflinex din ng aktres ang kaniyang nakakalulang hand jewelry tampok ang ilang mamahaling bato.

Serving face naman ang sunod na IG post ni Heart na may short but sweet caption: “Love every version of yourself.”

Nauna nang may tugon noon si Heart sa mga patuloy na bumabatikos tungkol umano sa kaniyang pagiging maaarte.

“Just be yourself and let go. Dress the way you want to. I-run way mo yung buong buhay mo if you want.  At the end of the day, what’s important is, that you live your life to the fullest. Life’s a party,” sabi noon ni Heart.

Nitong Martes, tampok din ng aktres ang kaniyang furbaby na si Panda.