Dahil kuntento na si Vice Ganda sa disposisyon niya sa buhay, mas pinipili na niya ngayon ang magkaroon ng sapat na oras para sa mga mahal sa buhay, lalo na para sa asawang si Ion Perez.

“Okay na ko sa maraming nangyayari sa paligid at sa buhay ko. Gusto ko na lang i-maintain. Okay na ‘ko sa ganoong takbo sa buhay. ‘Yung wala kaming hinahanap. Wala kaming gusto pa…gusto ko na lang ‘yung kalmang buhay,” pagbabahagi ni Vice sa YouTuve vlog ni Kaladkaren.

“Ini-enjoy ko ‘tong bahay na ‘to. Ini-enjoy ko si Ion. Ini-enjoy ko ‘yung sarili ko, ‘yung pamilya ko. ‘Yung karera ko na matagal kong ipinanalangin. ‘Yung kinikita ko ngayon,” dagdag ng Unkabogable star.

Basahin: Vice Ganda at Ion, balak nga bang magka-baby soon? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mula sa hosting, pagtatanghal, at pagbida sa pelikula, matagumpay na rin si Meme sa kaniyang vlogging venture sa YouTube na kasalukuyang tumabo na ng mahigit 6.8-M subscribers.

“Kaya kapag tinanong ako, ‘Gagawa ka ba ng movie?’ Para saan?”

“Bakit hindi mo ginawa ‘yung Idol Philippines? Para saan?”

Matatandaan na ikinagulat ng marami ang hindi na pagbalik ni Vice Ganda sa panel of judges ng Idol Philippines Season 2.

Sa bagong hanay ng mga hurado, si Gary Valenciano at Chito Miranda ang panibagong makakasama nina Moira Dela Torre at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Pagbabahagi ng Kapamilya star, handa na siyang isantabi ang ilang bagay para masulit ang oras nila ni Ion.

“‘Yun ‘yung tanong ko: ‘Para saan?’ Bakit ko gagawin yung Idol Philippines? Kapag nagawa ko ‘yung Idol Philippines, mangangarag na naman ako. Mababawasan kami ng oras ni Ion. Para dagdag kita? Para mas popular? Para saan?”

Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Meme na kumpiyansa siya sa kasalukuyang takbo ng relasyon ni ni Ion.

Basahin: Basahin: Takot nga ba si Vice Ganda na ipagpalit siya ni Ion sa isang babae? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid