Matapos matalo ng NLEX Road Warriors nitong Hunyo 16, nakatikim naman ng panalo ang TNT Tropang Giga nang patumbahin ang Meralco Bolts, 78-71 sa 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City, nitong Sabado.

Kabilang sa kumamada sa Tropang Giga sina RR Pogoy (19 puntos), Troy Rosario (16 puntos) Poy Erram (13 puntos), at Jayson Castro (10 puntos).

Nawalan naman ng saysay ang 20 puntos ni Allein Maliksi, tig-13 puntos nina Chris Newsome at Bong Quinto, at 12 puntos ni Chris Banchero nang matalo pa rin sila ng TNT.

Naka-tatlong panalo at dalawang talo na ang Tropang Giga na lalaban sa Rain or Shine sa Huwebes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hawak naman ng Meralco ang kartadang 2-1 panalo at talo at tatangkain nitong patumbahin ang NorthPort sa Ynares Center sa Antipolo sa Huwebes.