Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

Ito ang kinumpirma ni Obiena sa kanyangn Facebook post kamakailan.

Sumasailalim na sa home quarantine si Obiena sa Formia, Italy.

Hindi na sasabak sa dalawang malalaking kompetisyon si Obiena, kabilang na ang Oslo Bislett Games sa Norway sa Hunyo 16 at Meeting de Paris na gaganapin sa France sa Hunyo 18.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I hate to say it but I would unfortunately miss these events due to health reasons. To be specific, I contracted Covid a few days ago and I’m quarantining at home right now here in Formia (Italy),” atyon pa sa social media post ng 26-anyos na atleta.

Gayunman, nangako ito na sasabak pa rin siya saTabyStavhoppgalasa Hunyo 28 at saBahaus Galan sa Hunyo 30 sa Stockholm, Sweden.

“Looking forward toseeyou all in Stockholm,” sabi pa nito.

Katatapos lamang mamayani ni Obiena sa Hanoi Southeast Asian Games nitong Mayo kung saan nasaksihan ang record-breaking performance nito at nagpakitang-gilas din ito sa L'Aquila leg saEuropean City of Sports meet sa Italy kung saan nakapagtala ito ng 5.85m.