Tuluyan nang binura ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules, Hunyo 15, ang backup files na ginamit nitong nakaraang May 9 elections.

Kasama sa binura ang serialized ballot at SQL dump files kung saan nakasaad ang bilang ng polling precincts, impormasyong may kinalaman sa kandidato at references nito.

Isinagawa ang pagbubura sa warehouse ng Comelec sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinabi ng Comelec na burado na rin ang ballot face database mula sa mga server ng National Printing Office kamakailan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Halos 20 minuto ang itinagal ng proseso na sinaksihan ng mga political parties at iba pang grupong may kaugnayan sa halalan.