Dead on arrival sa ospital ang isang 56-anyos na babae matapos bugbugin ng anak na binata sa Balingasag, Misamis Oriental nitong Biyernes.

Kaagad na inaresto ang suspek na si Danilito Gonzales, 35, taga-Purok 2, Barangay Camuayan, Balingasag.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek na pinatay nito ang inang si Geogita, sa loob ng kanilang bahay.

Sa panayam, sinabi ni Balingasag Polic chief, Maj. Teodoro de Oro, pinagsusuntok ng suspek ang ina at hindi pa umano nakuntento, kumuha pa ng bato at ipinukpok sa biktima.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sa imbestigasyon, isinara ng biktima ang pinto at bintana matapos niyang mapansing iba ang ikinikilos ng anak.

Dahil dito, naging agresibo umano ang suspek, gayunman, pinipigilan ito kanyang anak hanggang sa mabugbog siya nito.

Wala umanong rekord ang pulisya kung gumagamit ng illigal na droga ang suspek. Hindi pa matiyak ng mga awtoridad kung may kapansanan ito sa pag-iisip.

Franck Dick Rosete