Kinagigiliwan ngayon ng mga tagasuporta ni incoming Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos ang naging reaksyon nito nang walang anu-ano'y hilingin ng aktres at kaibigang si Barbie Imperial na makituloy muna sa kanilang tahanan.

Hindi nakaligtas ang anak ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa pinakahuling YouTube prank call ni Barbie.

Ang aktres, nalaman umano sa kanyang ina na ampon lang siya.

“Explain ko lang sa inyo kung ano 'yung gagawin ko. So sasabihn ko sa mga kaibigan ko na nag-away kami ni Mama dahil inamin niya na sa'kin na ampon talaga ako. Pero eto, guys, medyo believable kasi hindi ko talaga kamukha 'yung mom ko. Siyempre, mas kamukha ko 'yung tatay ko. Some of my friends, medyo jino-joke nila sa'kin na, 'Baka ampon ka talaga kasi hindi mo kamukha 'yung kuya mo tsaka 'yung nanay mo,” anang aktres.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Matapos unang mabiktima si Chie Filomeno ay sunod na tinawagan ni Barbie si Sandro.

“Eto 'yung pinakakinakabahan ako na i-prank kasi siyempre friend ko 'to and, respect, okay. Sandro Marcos, one of my close friends,” ani Barbie bago tawagan si Sandro.

Dito sunod na muli nang umarte ang aktres sa linya. “I have a problem kasi,” panimula ni Barbie.

“Ano yan?” agad na tanong ni Sandro.

“Sa'tin lang 'to ah kasi wala pang may alam, as in wala sa friends natin may alam. Adopted ako. Kanina lang sinabi sa'kin ng nanay ko. So, ngayon umalis ako ng bahay, kaya ako tumatawag kasi magso-solo na ako e,” pagpapatuloy ni Barbie.

“Pwede ba akong makitira diyan sa inyo?” biglang hirit ng aktres.

Nang sabihin muli ni Barbie na si Sandro lang ang may alam sa kanyang sitwasyon, agad naman itong pumayag na tumuloy ang aktres sa kanilang bahay.

“You can stay in the guest room, sa amin, pwede.” Sabi ni Sandro.

Ilan sandali pa ay inamin ng aktres na pawang prank lang ang kanyang naging pagtawag.

"You're so annoying! Kuleeeet!!!" sabi na lang Sandro sa kabilang linya.

Kinagiliwan ng netizens ang reaksyon ito ng batang Marcos.

“Hindi ako magsasawa na ulit ulitin na panoorin ito. So cute yung sila ni Sandro,” komento ng isang netizen.

“The "You're so annoying!" and "Kuleeeeet!" is so cuteee Sands,” segunda ng isa pa.

“Ang sweet pala talaga ng boses ni Sandro Marcos, saan ba yung guest room naglayas din ako”

“The way he say "No problem bie"️! Ang bait!”

“Puro kay Sandro talaga pinansin ng mga netizens. Btw. Bait niyo po talaga Cong. “

Kasalukuyan nang tumabo ng mahigit 165,000 views ang nasabing YouTube vlog.