PAMPANGA - Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 at Mabalacat City Police ang isang babaeng drug den operator at apat na iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Dau ng nasabing lungsod nitong Hunyo 9 ng gabi.

Hawak na ngayon ng PDEA-3 sina Elizabeth Buenavista, drug maintainer, 42, taga-Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga;Sunshine Paniza, 29, taga-Brgy. Xevera, Mabalacat City, Pampanga; Beneir Almeda, 34, taga-Brgy. Lakandula, Mabalacat City, Pampanga; Sheila Idos, 23, taga-Brgy. Epsa, Angeles City, Pampanga; at Melissa Libre, 23, taga-Brgy. Dau, Mabalacat City.

Naiulat na pakay ng operasyon siBuenavista na unang inaresto matapos bentahan ng iligal na droga ang isang tauhan ng PDEA sa South Daang Bakal, Brgy. Dau, nitong Huwebes ng gabi.

Inaresto rin ng mga awtoridad ang apat na kasamahan ni Buenavista matapos madatnansa loob ng bahay nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Mahigit sa P103,500 na halaga ng iligal na droga ang nasamsam kay Buenavista, bukod pa ang marked money at drug paraphernalias.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek.