Nagluluksa ngayon ang TV host-actress na si Carmina Villaroel sa pagpanaw ng kaniyang amang si Reggie Villaroel o 'Daddy Regy' batay sa kaniyang Instagram post ngayong Hunyo 7.

Binigyang-pugay ni Mina ang kaniyang yumaong ama sa kaniyang IG post, bagama't hindi na idinetalye pa ng TV host-actress kung ano ang ikinamatay ng ama nang ianunsyo ito sa Instagram.

Makakapiling na umano ng kaniyang ama ang inang si Mommy Menchu na sumakabilang-buhay na rin.

“Daddy Regy, you’re reunited with Mommy Menchu. (You're) one and only. Your first and last," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagbigay rin ng kaniyang tribute para sa kaniyang lolo ang anak na si Mavy Legaspi.

"Thank you for everything, daddy groovy. Thank you for being so strong for all of us."

"Rest easy but keep drinking pilsen for me up there! cheers!"

"It’s not easy, I know you hate to see us cry. I'll do my best to smile. don’t worry, I'll keep mom safe."

"We love you!"

Gayundin naman si Cassy Legazpi.

"The strongest man I know. I love you forever Daddy Groovy."