Kinilala bilang Rookie of the Year (ROY) ng Philippine Basketball Association (PBA) ang point guard ng TNT Tropang Giga na si Fil-Am Mickey Williams.

Ang pagkilala kahy Williams ay isinagawa sa PBA Leo Awards at Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City nitong Linggo.

Bukod dito, nominado rin si Williams para sa Most Valuable Player award makatapos itong makapagtala ng 34.26 statistical points dahil sa average na 19.5 points, 3.9 rebounds, at 4.2 assists kada laro.

Nahablot din ni Willilams ang Philippine Cup Finals Most Valuable Player (MVP) nitong nakaraang taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natalo ni Williams ang mga nominadong sina Jamie Malonzo (NorthPort), Leonard Santillan at Andrei Caracut ng Rain or Shine at Jerrick Ahanmisi ng Magnolia Hotshots.