Nagulat ang lahat nang walang ano-ano'y ihayag ni Jason Hernandez, mister ni 'Queen of Hugot Songs' Moira Dela Torre, na hiwalay na sila nito.

Ipinahayag ni Jason ang anunsyo sa kaniyang social media accounts nitong Lunes, Mayo 31.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/">https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” ani Jason.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag ni Jason, “3 years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.”

Kalakip ng post ni Jason ang joint statement ng dalawa.

Samantala, dahil sa balitang ito ay nagsibalik naman ang mga netizen sa mga hit songs ni Moira, partikular na sa kantang 'Paubaya'. Matatandaang nag-trend ito dahil sa opisyal na music video tampok ang mag-ex na sina Joshua Garcia at Julia Barretto kung saan nagkapatawaran na sila.

Ngayon daw, tila mas masakit ang mensahe ng awitin dahil sa pinagdaraanan ngayon ng mag-asawa.

Narito ang ilan sa mga komento.

"Binalikan ko 'to dahil sa breakup nila Moira, tapos tamang-tama sa kanila yung nangyari ngayon at ganda pa ng scene nila Joshua dito."

"Here I am listening to this song again after I've read the announcement of their separation. This song hits differently now… sending my warmest hug Moira. You can get through this."

"Searching sa lahat ng kanta ni Ate Moira agad-agad. Mas feel mo yung kanta para sa kaniya ngayon. Stay strong po."

"Moira and Jason are a reminder that cheating is not part of a relationship’s ups and downs. Hindi normal ang panloloko. Never ever normalize it. Kawawa yung mga partners n'yo."

"Grabe, Moira deserves better. Listening to this song will never be the same again. Hoping the best for her. Fighting!"

Noong Abril, napabalita na ang kanilang paghihiwalay subalit itinanggi ito ni Jason at nagbigay pa ng paliwanag.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/16/hindi-nangaliwa-si-moira-jason-pinabulaanan-ang-hiwalayan-umano-nila-ng-singer/">https://balita.net.ph/2022/04/16/hindi-nangaliwa-si-moira-jason-pinabulaanan-ang-hiwalayan-umano-nila-ng-singer/