Matapos ang dalawang taon, nagbabalik na sa Eat Bulaga studio kamakailan ang dating “Aling Maliit” na ngayo’y nagdadalaga nang si Ryzza Mae Dizon.

Balik EB stage na si Ryzza Mae nitong Mayo 28, Sabado.

View this post on Instagram

A post shared by ryzza⁷⁷⁷🧚‍♀️ (@ryzzamaedizon_)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ang noo’y anim na taong-gulang lang na Little Miss Philippines 2012 Grand champion, ngayo’y 16-anyos na dalagita na.

Kaya naman, tila pinaghahandaan na rin ng dating child star ang kanyang evolution sa Eat Bulaga at sa telebisyon.

“Nakakapanibago pa rin tawagin kang Ryzza Mae Dizon kasi dalaga ka na. Kung ikaw ang pamimiliin ng bago mong pangalan ngayong dalaga ka na, anong gusto mong itawag na naming sa’yo?” urirat ni Allan K kay Ryzza.

“Manang, Manang,” pabiro at makulit na sagot ni Jose.

“Yung pang-millenial,” singit naman ni Wally.

“Mamili ka: Ryzza Dizon, Mae Dizon, Mae Ryzza Dizon?” balik na tanong ni Allan K.

Tila pinaghandaan naman si Ryzza ang tanong ng EB family.

“Dati ko pa po iniisip ‘to kasi inaantay kop o talaga itong panahon na ‘to,” ani Ryzza.

“Ay pinagplanuhan,” maririnig na reaksyon ni Ryan.

“Gusto ko pong tawagin akong Mae Dizon,” anang host.

“Mae Dizon!” sabay-sabay na bulalas naman ng lahat ng hosts na halatang ikina-excite din ang bagong itatawag kay Ryzza.

Nitong Disyembre, matatandaang ipinasilip din ni Ryzza ang pinapagawang dream house sa Pampanga.

Basahin: ‘Aling Maliit’ Ryza Mae Dizon, nagpapatayo na ng kaniyang dream house! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid