Wagi ang TV personality-comedianne na si Herlene "Hipon Girl" Budol sa naganap na sponsored event ng Binibining Pilipinas 2022 nitong Biyernes, Mayo 27.

Sa nasabing event, napili ng Blackwater Philippines ang kinatawan ng Angono, Rizal na maging Miss Blackwater para sa taong ito. Ang nasabing special award ay iginawad din sa past Binibini Queens na sina Michelle Gumabao at Samantha Bernardo sa kani-kanilang batch, dahilan upang maging kumpiyansa ang mga taga-suporta ni Budol na maka-susungkit ito ng korona sa Binibining Pilipinas 2022.

View this post on Instagram

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Panibagong araw hatid ay pani bagong pag-asa. Maraming Salamat sa iyo dakilang Ama sa blessings na tinatamasa ko ngayon. Salamat at nakatanggap ako ng unang award, Sponsored title as Miss Black Water 2022 ng @everbilena Event kanina."

"Congrats din sa mga Binibini Sisterakas ko sa mga award nakuha nila. God bless you all mga KaSquammy at KaHiponatics ko! ❤️ you all po!," saad ni Budol sa kanyang latest Instagram post.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa Ever Bilena x Binibining Pilipinas Beauty Tour:

Ms. Ever Bilena 2022 - Chelsea Fernandez

Ms. Careline Cosmetics 2022 - Nicole Borromeo

Ms. Blackwater 2022 - Herlene Budol

Ms. Hello Glow 2022 - Karen Laurrie Mendoza

Ms. Ever Organics 2022 - Ms. Diana Mackey

Ms. Spotlight Cosmetics PH 2022 - Roberta Tamondong

Ms. Hyaloo 2022 - Nyca Bernardo