Masayang-masaya sa kaniyang panonood ng balita ang Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas dahil tila nahulma raw na maging presidente si presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

"Nanonood ako ng news nag-usap kaming mag-asawa na nakahulma talagang maging presidente eh… manamit, magsalita at nakakatuwa nag-courtesy call na sa kaniya mga matataas sa lipunan ng iba't ibang bansa… proud of you MR. PRESIDENT," sey ni Ai Ai sa kaniyang Instagram post kahapon, Mayo 24.

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pinasalamatan din ni Ai Ai si outgoing President Rodrigo Duterte.

"Marami din pong salamat PPRD sa lahat ng nagawa ninyo sa bansang Pilipinas na maipagpapatuloy naman ng ating PBBM."

Nagyong Mayo 25, muling nagpahiwatig si Ai Ai sa kaniyang kasiyahan dahil anumang oras ay malapit nang maiproklama ang BBM-Sara.

Isang masugid na BBM-Sara supporter si Ai Ai na talaga namang naging all-out ang pagsuporta sa UniTeam, sa pamamagitan ng paglahok at pagtatanghal sa campaign sorties ng partido.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/04/02/ako-ay-tagasuporta-ng-uniteam-ako-rin-po-ay-may-pusong-ofw-ai-ai-delas-alas/