Aminado si “Parokya ni Edgar” front man Chito Miranda na una niyang tinanggihan ang alok na maging isa sa pinakabagong hurado ng bagong season ng Idol Philippines.

Sa ulat ng ABS-CBN, Biyernes, ibinahagi ni Chito na ang kanyang asawa na si Neri Naig ang nagkumbinse sa kanya na lumabas sa kanyang “comfort zone.”

“Sabi ng wife ko, ‘You need to step out of your comfort zone,’” aniya.

“The night before pa, sabi ko, ‘Magagalit ka ba if I say no kasi I really didn’t want to do it. Sabi niya, ‘Oo, magagalit ako. So here I am now.’”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kasama ni Chito sa bagong panel of judges ang batikang OPM hitmaker na si Gary Valenciano.

Nagbabalik naman sa brand new season sina Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang most-streamed female artist sa bansa na si Moira Dela Torre.

Samantala, ibinahagi ni Chito ang naging working relationship kasama ang Kapamilya singers bilang bago sa judging scene sa telebisyon.

Aniya, si Regine ang naghihikayat sa kanya na maging komportable sa set habang binaggit niya na una na niyang nakasama si Gary bilang pamilya at ninong sa kasal.

Biro naman niya kay Moira, “Kami ni Moi, hanggang ngayon nagpa-plastikan pa rin.”

Parehong galing sa indie scene sina Moira at Chito.