Isa ang aktres na si Agot Isidro sa mga nagdadalamhati sa pagpanaw ng showbiz icon na si Susan Roces nitong Sabado.

Nakasama ng Kapamilya actress ang veteran icon sa hit action-drama series ng ABS-CBN na Fernando Poe Jr.’s (FPJ’s) Ang Probinsyano.

“Woke up to very sad news. Tita Su, thank you for your warm presence, your words of wisdom, your generosity on and off screen. I will miss your laughter and your kwentos,” mababasa sa Instagram post ni Agot.

Binigyang-pugay ni Agot ang work ethic ng batikang aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“So privileged and honored to have worked with the best. You really were a Queen. Salamat nang marami. Mahal na mahal ka namin.”

Basahin: Bea Alonzo, inalala ang itinuro sa kaniya ni Susan Roces – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang inalala ni Sen. Grace Poe ang pagpanaw ng kanyang adoptive mother.

“We will miss her sorely but we celebrate a life well-lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” aniya.

Basahin: Grace Poe, may mensahe sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother: ‘A true Filipina and a national treasure’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid