Matapos ang halalan ay saglit na nagpahinga muna sa bardagulan online si Kapuso comedian Pokwang at gumorabels kasama ang pamilya sa Boracay para magbakasyon.

Kuwento niya, marami siyang nakadaupang-palad na mga kapwa Kakampink doon, at pare-pareho sila ng sentimyento at emosyong naramdaman nang hindi nga pinalad na manalo si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, na ngayon ay nasa New York City sa USA naman para sa graduation ceremony ng bunsong anak na si Jillian Robredo.

"Marami akong na-meet na mga Kakampinks dito sa Boracay and syempre kagaya ko sad kami pero sabi ko nga dahan-dahan move on at may mga trabaho pa tayong gagawin naghihintay so yes yakap lang at tiwala magiging ok din ang lahat 🙏🏼💗💗💗 and support natin ang NGO Angat Buhay," ayon sa tweet ni Pokie noong Mayo 15.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/pokwang27/status/1525660318462283776

Ibinahagi pa ni Pokwang sa tweet noong Mayo 14 ang isang pangyayari kung saan binigyan sila ng 20% discount ng may-ari ng isang seafood restaurant dahil natuwa itong doon sila kumain.

"Kuwento, kumain kami sa isang seafood restaurant dito sa Boracay then sabi ng manager 20% off daw kasi happy sila na doon kami kumain, sabi ko NO po 'wag na kasi ngayon palang kayo bumabawi dahil sa pandemic at mga naganap na lockdown so please paki-alis po ang discount."

https://twitter.com/pokwang27/status/1525302928864874496

Ang latest tweet ni Pokwang ngayong Mayo 18, mukhang balak niyang magtayo ng bagong negosyo at anomang 'kulay' raw ay tatanggapin niya for hiring. Kaya asahan daw na wala na siyang oras sa mga 'batugan' o tamad na bashers.

"Wala akong time sa mga batugan na bashers hahahahaha mas marami akong oras simulan ang bagong negosyo at makapag- bigay ng trabaho kahit ano pa man ang kulay mo basta masipag at tapat!! Hiring soon…"

https://twitter.com/pokwang27/status/1526729875566252033

Aribang-ariba ang showbiz career ni Pokwang sa Kapuso Network dahil sunod-sunod ang kaniyang proyektong natatanggap simula nang lumipat siya roon mula ABS-CBN, patungong TV5, at ngayon nga ay sa GMA Network.