Usap-usapan sa social media ang umano'y eskandalosong leaked video kung saan naispatan umano sa isang parking lot sina dating Hashtags member at Pinoy Big Brother housemate Zeus Collins at dating GirlTrends member Chie Filomeno, na naging housemate din sa latest celebrity edition ng PBB.

Itinampok din ito sa 'Isyus' na pagmamay-ari ni self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza. Kumalat na rin sa TikTok.

Sa kaniyang personal Facebook post ay kinuha ni Xian ang atensyon ni Chie, habang siya ay nasa bansang Norway.

"Chie Filomeno may issue ka? Ano pala? Nabasa ko lang ngayon habang nagkakape dito sa Norway," ani Xian.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Tumugon naman dito si Chie.

"Weh papansin."

"Bandwagon yarn?"

Agad namang sumagot dito si Xian. "I like you. Coffee?"

Hindi na nag-reply dito si Chie.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, sa kaniyang social media post nitong Mayo 13 ay nag-react na si Zeus hinggil sa isyu.

"FAKE NEWS!! Grabe tagal na nitong chismis na 'to, baka naman si Zeus Maryosep 'yang napanood n'yo. Ingat-ingat lang kayo baka mahack 'yang account n'yo dahil diyan, at RESPETO na lang nang konti, dami nadadamay. Masaya ako ngayon at 'wag n'yo nang guluhin pa," saad ni Zeus.

Flinex din niya ang nagpapasaya sa kaniya ngayon---ang jowang si Pauline Redondo.

Maging si Chie ay nagbigay na rin ng reaksyon sa kaniyang tweets nitong Mayo 13.

Hiningi naman ng Balita Online ang panig ni Chie Filomeno kung ano ang masasabi niya tungkol sa isyu.

"Hahahaha ang tagal na ng issue na 'yan, mas umingay lang ngayon kasi mas kilala ako now," natatawa at cool lang na sey ni Chie.

Nagkasama sina Zeus at Chie sa noontime show na 'It's Showtime'.