Inaabisuhanng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista namaling impormasyon ang kumakalat na infographic na may bagong number coding scheme na ipatutupad simula Mayo 16.

Inihayag ng MMDA nitong Huwebes na walang pagbabago sa ipinapatupad na sistema.

Pglilinaw ng MMDA, nananatili pa rin ang pagpapatupad ng modified number coding scheme mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban lamang kung holidays.

Bagamat may mga panukalang modification rito, wala pang pinal na naaprubahan, ayon sa MMDA.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sakaling magkaroon ng pagbabago sa polisiya, dapat aprubado ito ng Metro Manila Council na binubuo ng 17 alkalde ng Metro Manila.

Ayon pa sa MMDA kung may natatanggap na mensahe o post sa social media ukol sa number coding at nais itong ikumpirna ay maaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official page sa Facebook, Twitter at Instagram.