May 22, 2026

Home BALITA

Atty. Mans Carpio nagsampa ng reklamo; pilit daw siyang dinadamay sa impeachment!

Atty. Mans Carpio nagsampa ng reklamo; pilit daw siyang dinadamay sa impeachment!
Photo courtesy: Contributed photo

Tuluyan nang nagsampa ng reklamo ang ang mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio laban sa House Committee on Justice at ilang opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nitong Lunes, Abril 27, 2026.

Sa panayam ng media sa legal counsel ni Carpio na si Atty. Peter Paul Danao, ipinaliwanag niya kung ano raw ang mismong tinutumbok ng reklamong ikinasa ng kanilang kampo.

“Ang kaso naman na isinampa rito, hindi po yung isyu kung 'totoo o hindi.' Ang isinampa naming kaso eh, 'Tama ba na ginawa ng AMLC na magpalabas daw ng mga transaction reports?'” saad ni Danao.

Paliwanag pa niya, “Ngayon kung sinasabing totoo o hindi, hindi na dapat dito sa piskal sagutin 'yon, siguro dapat, baka dapat sa impeachment court. Eh hindi naman po parte ng impeachment si Atty. Carpio, pinipilit po siya na madawit sa impeachment na pribadong indibidwal.”

Ang hakbang ni Carpio ay kasunod ng inilahad ng AMLC sa pagdinig ng Kamara hinggil sa impeachment complaint laban sa bise presidente, kung saan iniulat ang umano’y “suspicious” at “covered” bank transactions na umaabot sa ₱6.77 bilyon na iniuugnay kina Duterte at Carpio sa loob ng halos dalawang dekada. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sa naturang halaga, ₱4.425 bilyon ang pumasok sa kanilang mga bank account habang ₱1.554 bilyon naman ang lumabas. Mayroon ding ₱791 milyon na hindi matukoy kung inflow o outflow dahil sa limitasyon ng lumang sistema ng AMLC.

KAUGNAY NA BALITA:  Higit ₱6B-covered at suspicious transactions ni VP Sara, mister kumpirmado!—AMLC'

Samantala, nauna nang nanindigan si House Committee on Justice Chairman Gerville Luistro na walang nilalabag na batas ang kanilang Komite. Iginiit naman ng BDP na wala pa silang natatanggap na kopya ng naturang reklamo habang wala pang inilalabas na pahayag ang AMLC sa nasabing isyu.

KAUGNAY NA BALITA: 'We did not violate any law!' Rep. Luistro, kumuda laban sa mister ni VP Sara!