Halos madurog ang kotseng sinasakyan ni Daisy Lopez a.k.a. 'Madam Inutz' dahil sa kinasangkutang car accident ayon sa kaniyang Facebook post ngayong Mayo 10 ng gabi.

Aniya, nasa mabuti naman siyang kalagayan kaya walang dapat ipag-alala ang mga tao.

"DUROG ANG SASAKYAN NI MADAM INUTZ NYO‼️ ACCIDENT ALWAYS HAPPEN TLGA‼️ BUTI NALANG WALANG NASAKTAN. THANK YOU LORD SA PAG GABAY MO SA AMIN‼️ KAYA MGA INUTZ LAGI TAYONG MAG IINGAT SA LANSANGAN AT SA MGA DRIVER NA NAKA INOM‼️ PLEASE LANG WAG NA PO KAYO MAG MANEHO KUNG UNDER INFLUENCE NG LIQUOR‼️" aniya sa caption ng kaniyang post.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May be an image of car
Larawan mula sa FB/Madam Inutz

Nagpaabot naman ng pag-aalala ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino, na siyang nagbigay ng kotse sa kaniya.

"Consider total wreck na yan tiiii… ang mahalaga safe at walang na sugatan. May insurance naman," saad nito.

Saad naman ng 'kapatid' na kapwa talent na si Herlene 'Hipon Girl' Budol na kalahok sa Binibining Pilipinas, "Thanks God at safe kayo dyan teh Madam Inutz."

Batay sa post ni Madam Inutz ay mukhang nabangga ang kaniyang kotse ng isang sasakyan, na ang nagmamaneho ay lasing o nakainom.