Malapit nang mag-isang buwan matapos ang pasabog na proposal ni UP Maroons basketball superstar Ricci Rivero kay Kapamilya actress Andrea Brillantes para maging girlfriend nito noong Abril 9, sa mismong SM Mall of Asia Arena, muling flinex ni Ricci ang kaniyang jowa sa kaniyang IG.

Noong Martes, Abril 19, ibinahagi ni Ricci sa kaniyang IG story ang litrato ni Blythe at mukhang suot-suot nito ang kaniyang basketball uniform.

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang mga viral videos na kinuha ng 23 anyos na basketball heartthrob ang mikropono sa Mall of Asia Arena, at saksi ang mga naroon ay tinanong ni Ricci ang 19 anyos na dalaga kung puwede bang maging sila.

"Can I ask Blythe (Andrea) to be my girlfriend?" tanong ni Ricci habang naghihiyawan sa kilig ang mga taong saksi sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang taong may bitbit na itim na damit na may nakalagay na 'YES' at 'NO'. Pinili ni Andrea ang YES hanggang sa naging emosyunal na ito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa Twitter ni Ricci, agad na ipinahayag ng basketball player ang kaniyang kasiyahan: nakadalawang panalo nga naman siya ng gabing iyon!

"GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN," saad sa tweet ni Ricci.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Samantala, ibinahagi naman ni Andrea sa kaniyang IG stories ang litrato niya na suot-suot ang damit na may YES habang may bouquet of flowers.

Matatandaang noong Pebrero 22, 2022 nagsimula ang bulung-bulungang mukhang may namamagitan na umano sa kanilang dalawa, dahil sa kanilang mga caption sa IG posts nila.

'Hi', sey ni Ricci, kasama ang petsang 2/22/22.

'Hello,' saad naman ni Andrea, na may petsang 2/22/22.

Subalit hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa't isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang at nabigyan ng malisya, batay sa napansin ng mga netizen.

Sa 19th birthday naman ni Andrea, pinutakti ng mga netizen ang birthday message ni Ricci para kay 'Blythe'. Tinawag pa niya itong 'Drew'. Saad ni Ricci,

"Happy Birthday, drew! :))" saad ni Ricci.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/ricci-andrea-naispatan-daw-na-magkasama-tanong-ng-mga-netizen-may-namamagitan-ba/">https://balita.net.ph/2022/03/14/ricci-andrea-naispatan-daw-na-magkasama-tanong-ng-mga-netizen-may-namamagitan-ba/

Naging usap-usapan din ang umano'y panghihikayat ni Andrea na mai-convert sa pagiging Kakampink ang jowa, bagama't iginiit nila na pareho nilang iginagalang ang political stand ng bawat isa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/25/kakampink-andrea-brillantes-sinusubukang-i-convert-si-ricci-rivero-na-isang-bbm-supporter/">https://balita.net.ph/2022/04/25/kakampink-andrea-brillantes-sinusubukang-i-convert-si-ricci-rivero-na-isang-bbm-supporter/

Bago pa maging opisyal na mag-jowa ay nagpahayag na si Ricci na isa siyang UniTeam supporter.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/26/ricci-rivero-supportive-kay-andrea-brillantes-sa-effort-nitong-ma-convert-siyang-kakampink/">https://balita.net.ph/2022/04/26/ricci-rivero-supportive-kay-andrea-brillantes-sa-effort-nitong-ma-convert-siyang-kakampink/

Ngayong Mayo, binabakbakan ng mga netizen ang dalawa dahil sa pagpuso umano ni Ricci sa TikTok ng isang bebot na nagngangalang 'Kate Raiza'.

Naging maagap ang mga online Marites na i-screengrab ang pag-heart react dito ng basketball star na jowa ni Blythe at mabilis na kumalat ang mga 'resibo' sa social media.

Screengrab mula sa TikTok

Umani ng maraming komento ang post na ito. Aware daw ba si Andrea sa pagiging aktibo ng kaniyang jowa sa pagre-react sa litrato o video ng ibang babae?

Napa-react naman dito si Andrea sa pamamagitan ng tweet, na ngayon ay burado na.

"Omg ganto pala pag may bf kang gwapo na basketball player??? daming gurls na gustong manira haha go lang!! secured ako" ani Andrea.

Niretweet naman ito ni Ricci.

"Ahahaha di siguro pinapansin sa bahay," sey ng jowa ni Andrea.

Screengrab mula sa Twitter/Ricci Rivero

Agad na nilinaw ni Ricci ang isyu at sinabi niyang edited lamang ito at gawa-gawa ng mga nais siyang siraan. Hindi raw niya ito magagawa kay Andrea.

"Lol, 1st of all, I would never do that. 2nd it's clearly edited, 3rd mas sex gf ko kaysa sa'yo," sey ni Ricci.

Screengrab mula sa IG/Ricci Rivero

Ayon naman sa mga katkatera at sawsawera, mukhang nag-private account na ang bebot na nagmamay-ari ng TikTok account na pinusuan umano ni Ricci.