Suspendido muna ang pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (MUVVRP) o number coding scheme sa Martes, Mayo 3 para sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 3 at 4 na sakop ng coding tuwing Martes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa coding hours na mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Pinapayuhan ng MMDA ang publiko na planuhin ang kanilang biyahe upang hindi maabala.

Nilinaw ng MMDA na ipinasya nilang kanselahin ang number coding scheme sa nasabing petsa bilang pakikiisa ng publiko sa pagtatapos ng Ramadan sa bansa.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday ang nasabing petsa para na rin sa kapakanan ng mga Muslim.