Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm "Jangmi" ngayong gabi ng Huwebes, Mayo 28 o bukas ng umaga, Biyernes, Mayo 29.
Sa latest update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), as of 8:00 PM, huling namataan ang bagyo sa layong 1,220 kilometers East of Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour. Kumikilos ito sa pa-hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dagdag pa ng PAGASA, posibleng pumasok anumang oras sa loob ng PAR ang bagyo, at papangalanan ito sa local name na "Domeng," ang ikaapat na bagyo ngayong 2026.
Sakaling pumasok ang bagyo, mas lalakas ito sa "typhoon" category sa Sabado, Mayo 30. At lalabas ng PAR sa Lunes, Hunyo 1.