Patay ang isang motorcycle rider makaraang mahulog mula sa Kalayaan flyover sa Makati City nitong Abril 30.

Dead on the spot si Leonard Gacula Iguis, 33, janitor, at taga-129-C, 12th Avenue, Brgy. East Rembo, Makati City, sanhi ng matinding pinsala ulo at katawan.

Sa inisyal na ulat ni Makati City Vehicular and Traffic Investigation Unit, ang insidente ay naganap sa Buendia-Kalayaan flyover westbound lane sa kanto ng EDSA southbound lane at Kalayaan Avenue, Brgy. Pinagkaisahan dakong 3:58 ng madaling araw nitong Sabado.

Minamaneho ni Iguis ang motorsiklo sa nasabing flyover, mula sa Yabut Street patungo sa Paseo De Roxas at pagsapit sa  pakurbang bahagi ay bigla itong bumangga sa kanang pader ng flyover.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa lakas ng impact, tumilapon mula sa motorsiklo ang biktima bago tumama ang katawan nito sa plant box sa gilid ng flyover hanggang sa tuluyang mahulog sa EDSA kanto ng Kalayaan Avenue.

Nang mahulog, nagkataon naman na paparating ang isang closed van na nakasagasa sa kanya. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.