Nag-donate ng relief goods ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga biktima ng bagyong 'Agaton' sa Capiz.

Ipinaliwanag ni NCRPO chief, Maj. Gen. Felipe Natividad, ang mga donasyon ay naipon mula sa mga boluntaryong ambag ng mga miyembro ng Team NCRPO na binubuo ng regional headquarters, districts hanggang sa police stations at sub-stations.

Nitong Abril 29 ng umaga ay pormal na itinurn-over ng Team NCRPO ang mga donasyon sa Capiz Police Provincial Office na mangangasiwa naman sa pamamahagi nito sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha na dulot ng bagyo.

“This relief operation is a manifestation and reflection of our “Bayanihan” culture which unites us in times that our fellow Filipinos need assistance. No matter who are in need we are always willing to extend our hand to help in any way possible," sabi pa ng opisyal.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril