Kinakiligan ng mga netizen ang birthday message post ni Kathryn Bernardo para sa kaniyang jowang si Daniel Padilla nitong Miyerkules, Abril 27.

Nagdiwang ng ika-27 kaarawan si DJ noong Abril 26.

"Dancing through life with you and enjoying every single step. Remember that you and I are always in sync, and no matter what the music is, there's no better rhythm than when we're dancing TOGETHER," ani Kathryn.

"Happy birthday to my person."

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kalakip ng IG post ang litrato nila ni DJ sa isa sa kanilang mga bakasyon dahil makikita ang beach background. Sa isang video clip naman, makikitang masaya silang nagsasayaw ni Daniel at makikitang nakangiting nakamasid sa kanila si Joshua Garcia.

Nagkomento naman dito ang mga celebrity friends na sina Miles Ocampo, Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, at iba pa.

Unang nagkakilala at nagkatambal sina Kathryn at Daniel sa teleseryeng 'Princess and I' noong 2012 and kumbaga nga, the rest is history simula nang mabuo ang kanilang tambalang 'KathNiel'.

Samantala, nauna na ring nagbigay ng mensahe si Momshie Karla Estrada para sa anak na si DJ.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/26/momshie-karla-estrada-may-makabagbag-damdaming-mensahe-sa-kaarawan-ni-daniel-padilla/">https://balita.net.ph/2022/04/26/momshie-karla-estrada-may-makabagbag-damdaming-mensahe-sa-kaarawan-ni-daniel-padilla/

Sinabi niya na kahit maulit-ulit ang kaniyang buhay, pipiliin pa rin niyang maging pamilya ang mga anak niya, at panganay pa rin si Daniel.