Para kay Judy Ann Santos, 'best decision ever' na pinakasalan niya ang mister na si Dabarkads Ryan Agoncillo, nang bigyan niya ito ng makabagbag-damdaming mensahe para sa kanilang 13th wedding anniversary ngayong Abril 28, 2022.

"13 years married… 18 years together… 2 years na lang, 2 dekada na tayong magkapiling… best decision ever! Through ups and downs, back pains and stiff necks… life with you and our little ones… will always be my greatest blessing… I love you with all my heart.. @ryan_agoncillo," saad ni Judy Ann sa caption ng kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Nagpaabot naman dito ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan nila sa showbiz. Isa na nga rito ang kaibigan ni Juday na si Gladys Reyes, na siyang gumanap na kontrabida sa soap opera nilang 'Mara Clara' noong 90s.

"Cheers to more years of togetherness sis @officialjuday and Rye @ryan_agoncillo we love you both!" sey ni Gladys sa comment section.

"Yung back pains ang nagdadala eh," pabirong tugon ni Ryan sa comment section.

Sa sarili namang IG, simpleng "13 with a heart" ang post ni Ryan kalakip ang litrato nila ni Juday.

Ikinasal sina Juday at Ryan noong Abril 28, 2009. Ayon sa panayam sa kanila noon, nagkrus ang mga landas nila nang magkasama sa superseryeng 'Krystala' sa ABS-CBN noong 2004.

Nagsama na rin sila sa mga pelikula gaya ng 'Kasal, Kasali, Kasalo', 'Sakal, Sakali, Saklolo', at 'House Husband'.