Game na game ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa parody remake at mga kumakalat na memes ng patok na ‘Your Daughter is Sleeping With My Husband’ remix na pinasikat ng content creator na si Allan Soriano o mas kilala bilang AC Soriano mula sa isang eksena ng teleseryeng 'The Broken Marriage Vow' na Pinoy adaptation ng 'Doctor Foster'.

Sikat na sikat din ngayon ang mga linyahang "Papunta pa lang tayo sa exciting part" at "Nabuntis ni David ang anak ninyo at nagpunta siya ng Amerika para ipa-abort ang bata".

Sa naganap na The Broken Playlist concert mediacon nitong Martes, Abril 26, 2022, ibinahagi ng aktres na sobrang nagalingan siya sa pag-spoof sa kaniya ng nasabing content creator.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng isang ‘Jodi Sta. Maria Musical’ si Soriano kung saan samo’t-saring karakter ng aktres ang ginawa ni AC, pero ang pinaka-pumatok sa netizens ay ang kaniyang Doc Jill impersonation. Mismong si Jodi Sta. Maria ay hanga sa 27-year-old content creator.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“It was actually, siya lang talaga yung gumawa ng lahat ng ‘yon. And then, naka-message ko siya sa IG and then nag-invite siya if I could watch the performance so nag-stay up ako ‘til 11 PM way past my bed time. So pinanood ko yung performance niya and sobra akong natuwa, sobra akong naaliw, sobra akong nagalingan sa kaniya," pagmamalaki ni Jodi.

"So nag-send ulit ako ng message na kino-congratulate ko siya for that kasi siya lang mag-isa eh. It was a one man show, siya lang talga gumawa lahat- costume changes, siya lang, yung music, yung editing na ginawa niya for the videos na ginamit niya, siya lang talaga. So I just told him na you know keep making people happy with what you’re doing so thumbs up ako doon sa ginawa niya. Nakakatuwa talaga," masayang sey pa ng tinaguriang 'Silent Superstar'.

Mapapanood ang 'The Broken Marriage Vow' sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at sa Viu.