Nagulantang ang mga manonood at tagasubaybay ng 'Wowowin' nang bumulaga sa April 25 episode si Kapamilya host Luis Manzano bilang special guest ni Willie Revillame.

Ibinahagi rin ito ni Luis sa kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Pambubuking ni Luis, matagal na raw silang magkaibigan ni Kuya Wil kahit na nagkakatapat ang kanilang mga show, at sa katunayan, isa raw ito sa mga ninong nila sa kasal ng misis na si Jessy Mendiola.

Dahil mahusay na host, hinayaan ni Willie si Luis na siyang magbasa kung ilan ang mga nakasubaybay at nanonood sa kanilang programa nang araw na iyon.

Nagpalit din sila ng puwesto ng upuan at hinayaan niyang si Luis ang kumausap sa mga mapalad na matatawagan upang manalo ng papremyo.

Bukod dito, nakausap din nila via phone patch si Star For All Season Vilma Santos na mamamahinga muna sa politika.

Wala namang isyu kung bumulaga si Luis o kahit na sinomang Kapamilya, Kapuso, o Kapatid artist sa Wowowin dahil matatandaang noong Pebrero ay hindi na nag-renew ng kontrata si Willie sa GMA Network. Napapanood ang Wowowin sa opisyal na Facebook at YouTube channel nito.

Sigaw naman ng mga netizen, bagay raw ang chemistry ng dalawa, kaya hirit nila, sana raw ay maging co-host si Luis sa naturang programa.

Sa kasalukuyan, napapanood si Luis bilang host ng 'I Can See Your Voice' sa Kapamilya Channel at social media platforms nito.