Sa rehas na magdiriwang ng birthday ang most wanted sa palawan matapos mahuli ng pulisya sa mismong araw rin ng kanyang kaarawan.

Nadakip ang kelot sa Altavas, Aklan nito lamang Martes, April 19, na kinilala bilang si Allan Delos Angeles, 45 taong gulang.

Bago pa man ipasok sa selda, sinurpresa pa ng kapulisan si Delos Angeles sa pamamagitan ng pagbati sa kaarawan nito at pagbibigay ng chocolate cake na may nakasulat na "Happy 45th Birthday Allan!"

Si Delos Angeles ay wanted sa kasong illegal possession of firearms at frustrated murder, at nababaan na ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 51 Regional Trial Court Puerto Princesa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), naging matagumpay ang pag-aresto kay Delos Angeles dahil sa pakikipag-ugnayan ng Bataraza MPS, sa Puerto Princesa, Palawan; Regional Intelligence Unit 6; Aklan Provincial Intelligence Team; at 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company.

"Ang matagumpay na operasyon ay bahagi sa mas pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted na indibidwal at sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong bansa," pahayag ng PNP. — Karen Joy Sapico