Muling napagdiskitahan ni Alex Gonzaga ang viral performance ng kapatid na si Toni G sa ilang campaign sorties. Ang actress-host ginawan ito ng spoof sa isa namang noontime show.

Sa segment na Pera Usog ng TV 5 noontime variety show na Lunch Out Loud, muling ginawan ng spoof ni Alex ang trending  “Roar: Sabay-sabay version” ni Toni sa mga campaign sortie ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Sinimulan ng entry sa isang knock-knock, todo-bigay ang actress-host sa paggaya hindi lang sa timbre ng boses ni Toni kundi maging ang galaw at tila pagturo nito sa kandidato.

Makikita naman sa sulok ang kapwa host na si Billy Crawford na tawa nang tawa sa trip ni Alex.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagtripan ni Alex ang viral performance ng kapatid.

Basahin: Alex, di pinaligtas si Toni; ginaya mga spiel, pagkanta ng ‘Roar’ sa UniTeam campaign rallies – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nag-viral sa iba’t ibang social media platforms ang Tiktok video ni Alex na ginagawa ang parehong spoof sa naganap nilang Dubai Expo stint.

Naaliw naman ang netizens sa anila’y “pagkabaliw” pa rin ni Alex sa gitna ng mga kontrobsersyang hinaharap ng kapatid.