Isang mamahalin alahas ang regalo ni Megastar Sharon Cuneta para sa nalalapit na 52nd birthday ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, Abril 18, iflinex ni Regine ang larawan ni Mega kalakip ang agaw-pansing suot nitong singsing.

“Ito na nga may pa berday ang ate ko na mahal na mahal ako!!!!!!#yesmaysarilikamingmundo@sharoncunetanetworkthank you ate kong mahal na mahal ko 💍💍💍,” mababasa sa caption ni Regine habang naka-tag si Sharon.

Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-52 kaarawan si Regine sa darating na Abril 22.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kilala si Mega sa kanyang mga koleksyon ng alahas at relo na kadalasa’y ipinamamahagi niya sa ilang celebrities kagaya ni Vice Ganda at Regine.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap si Regine ng mamahaling piraso ng bato mula kay Mega.

Noong 2018, isang nakakalulang diamond ring ang ipinamana ni Mega kay Songbird sa finale night ng “Regine and the Movies” kung saan nag-udyok din ito ng maraming collaborations mula sa dalawang iconic stars sa Philippine showbiz industry.

Sa darating na Hunyo, muling mapapanuod ang duo sa restaging ng kanikang “Iconic” concert sa Resorts World Manila.