Sinunog ng pulisya ang ₱6 milyong halaga ng tanim na marijuana matapos na madiskubre sa isang liblib sa Benguet kamakailan.

Sa report na natanggap ni Philippine National Police chief, Gen. Dionardo Carlos, ang naturang plantasyon ay nabisto ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Benguet Provincial Office sa kagubatan ng Sitio Bito, Barangay Tacadang, dakong 1:00 ng hapon nitong Abril 1:00 ng hapon. 

Gayunman, walang naarestong mga suspek sa nasabing pagsalakay.

Matapos bunutin ang tinatayang 50,000 tanim na marijuana na nagkakahalaga ng ₱6 milyon, agad itong sinunog ng mga pulis upang hindi na mapakinabangan.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso upang matukoy at makasuhan ang mga may-ari ng marijuana plantation.

“The successive clearing operations of marijuana plantations in Luzon these past few months clearly demonstrate our winning stance in the fight against dangerous drugs, thus, I laud again our Cordillera police operatives. I also urge you to pour more efforts in hunting down the marijuana farm owners and the individuals engaged in the illegal planting and sale of marijuana products,” pahayag pa ng PNP chief.