Parehong ibinahagi ng ngayo’y engaged couple na si Maja Salvador at Rambo Nuñez ang panibagong yugto ng kanilang buhay magkarelasyon.

Engaged ang aktres at Eat Bulaga host sa kanyang boyfriend, pag-aanunsyo ng dalawa sa magkahiwalay na Instagram posts nitong Linggo, Abril 17.

 “My new beginning @rambonunez 💍❤️” mababasa sa caption ni Maja sa isang Instagram post.

Tatlong serye ng larawan ang makikita sa naganap na engagement party ng aktres kung saan makikitang emosyonal itong tinanggap ang alok na pagpapakasal ng kanyang boyfriend.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“The best part is yet to come my love,” saad naman ni Rambo sa kaniyang hiwalay na Instagram post.

Masaya namang binati ng mga kaibigan sa industriya ang newly-engaged actress.

Taong 2010 nang unang mag-date ang dalawa na nauwi rin sa hiwalayan.

Matapos ang halos isang dekada ay muling naiulat ang pagbabalikan nila noong 2019 na ngayo'y mauuwi nga sa kasalan.