Patay ang isang incumbent barangay chairman sa Davao Oriental matapos barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki habang nagpapahinga sa labas ng bahay sa Mati City, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa Davao Oriental Provincial Medical Center si Ronnie Palma Gil Valera, 57, dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, nasa duyan ang biktima habang nagpapahinga sa labas ng bahay sa Purok Matahimik 1, Brgy. Matiao nang pumasok sa bakuran ang suspek at binaril si Valera.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek na agad na tumas matapos ang pamamaril at motibo nito sa krimen.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Kabilang sa iimbestigahan ang posibleng motibong may kinalaman sa trabaho o personal na dahilan.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng Cal.45 pistol pati na ang umano'y armas ng biktima na isang 9mm pistol.