Hindi makapaniwala ang sikat na celebrity vlogger at Kapamilya actress na si Ivana Alawi na finally, all-set na ang kauna-unahang teleserye na siya ang bibida---ang 'A Family Affair' na sinasabing kapalit daw ng defunct teleserye sana ni Bea Alonzo kasama sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Christian Bables, at Jameson Blake.

At dahil Kapuso na si Bea, napunta umano kay Ivana ang korona---at syempre, naiba na rin ang apat na lalaking mag-aagawan para sa kaniya. Ito ay sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake na siya na yatang natira mula sa original cast.

Gagampanan ni Ivana ang role ni 'CherryRed' at ang apat na lalaki sa buhay niya ay 'Estrella brothers'.

Aminado si Ivana na kinabahan siya nang makatrabaho sina Gerald at Sam.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I was very excited especially with the whole cast… pagpasok ko, natatakot ako, kinakabahan ako kasi Gerald and Sam, mga pinapanood ko lang iyan noong bata ako! Hahaha! Tapos, siyempre, excited to work with Jake and Jameson," pag-amin ni Ivana.

Nag-enjoy naman daw siya sa kanilang lock-in taping sa lalawigan ng Masbate.

Ang seryeng ito ay produced by Star Creatives Television, ang TV unit ng Star Cinema, na sister company naman ng ABS-CBN.